ilang araw na lang, ilang araw na lang
aalis na sa trono sa malakanyang
dapat lang hulihin at tsaka ikulong
sa kawalanghiyaan at pandarambong
kung tayo ay magsasama sama lamang
ang pagbayarin sya ay madali, magaan
sa kalaboso lamang siya nararapat
susi'y itapon sa malalim na dagat
dapat tayong lahat matamang magmatyag
huwad na oposisyon ay ibuyagyag
ang interes lamang ng nakararami
siyang unahin at huwag isantabi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment